|
Article in other languages:
|
Si Antoine-Laurent de Lavoisier o Antoine Laurent Lavoisier[1] (Agosto 26, 1743 – Mayo 8, 1794), ay kilala bilang ama ng kimika ng makabagong-panahon,[2] Isa siyang kimiko, biyologo, ekonomista, maharlika, politiko, at manananggol. Higit siyang kilala sa kaniyang mga gawaing may kaugnayan sa larangan ng kimika.[1]
TalambuhayIsinilang siya sa Paris, Pransya noong 1743. Bilang anak isang mayamang abogado, nag-aral din siya ng pagkamanananggol, ngunit sinabayan niya rin ng pag-aaral hinggil sa mga paksang makaagham. Kaya't nang magtapos sa pagkaabogado, nagpasiya siyang maging isang mananaliksik pang-agham.[1] Noong 1771, pinakasalan niya si Marie Paulze, isang dalagang bata sa kaniya ng labing-apat na taon, na nagsilbi bilang kalihim at mangguguhit ng mga larawan para sa kaniyang inakdaang mga aklat. Wala silang naging mga anak.[1] PolitikaMatagal na naging kasapi ng isang samahang kinamumuhian ng mga mamamayang Pranses si Lavoisier, ang Farm-General sa Ingles (Pranses: Ferme générale), isang organisasyong may tungkulin sa pangangalap ng buwis para sa hari. Noong 1789, nagkaroon ng pagaaklas sa Pransya laban sa hari. Sa kasukdulan ng Rebolusyong Pranses na ito, hinuli at nilitis ang mga miyembro ng Farm-General, na nahatulan ng parusang kamatayan. Kabilang si Lavoisier sa mga ito. Pinugutan siya ng ulo, sa pamamagitan ng gilotina, noong 1794.[1] AghamBagaman wala siyang sariling mga pagkakatuklas, nagbigay siya ng mga tumpak na paliwanag hinggil sa mga natuklasan ng ibang tao. Nakapagpa bago sa larangan ng kimika ang kaniyang mga naging paliwanag tungkol sa kombustyon, o pagsunog. Batay sa kaniyang mga gawain ang kasalukuyang agham ng kimika.[1] Sanggunian
Questions for article: antoine laurent lavoisier, antoine laurent lavoisier biography, antoine lavoiser, antoine-laurent lavoisier-biography, antonio laurent de lavoisier, antonio laurent lavoisier, antonio lavoisier, daftar unsur periodik modern antoine lavoisier, http://ms.wikipedia. org/wiki/antoine_lavoisier, lavoiser, lavosier |
|||||||||||||
This article is from Wikipedia. All text is available under the terms of the GNU Free Documentation License.
IHS Europe: Infrared Heating Systems for Home and Business.